Ghost

My Button Collection

SEPTEMBER 18, 2014

  • V: Di ka pa rin ba naniniwala na mahal na mahal kita?
  • Me: Ewan ko e.
  • V: Tignan mo to. Kayang kaya ko ngang sabihin sa harap ng mata mo na mahal kita e. (Sabay sabi Pasuplado) love you!
  • Me: Hahahahahahahahahahaha! Hahahahahahahaha!

Inlababo. :)

Ang hirap ipaliwanag ng nararamdaman ko. 9 months. Sa loob ng 9 months e umaapaw ang ligaya na nararamdaman ko. Sobrang mahal kita V. Thank you for everything. Sorry kung sinagad sagad ko ang pagyakap sayo today. Mamimiss kasi kita ng weekend! Ohhh sweetie! :”>

icanrelateto:

More here!

Sweetie..

Thank You Sweetie. :)

Wednesday night. I’m sick. Fucking sick. Unsure of what next move should be. Magaalas dose na pala. Whatdaaaa? San ako kukuha ng gamot?! To think na 20php lang ang laman ng wallet ko disoras ng gabi pa at masakit na masakit ang ulo ko…

Bumaba ako sa lobby, nagpasama ako sa 3 kuya na maintenance na magwithdraw at pumunta sa Mercury sa may Timog.

Nakabili na ako. Binilan ko rin sila ng Mcdo kasi naman no naabala ko ang pagtulog nila.

Etong boyfie ko naman e naghihilik pa yata. Hahaha. XD

Thurdsday morning, 37.5 na lang ang lagnat ng Lola mo. Pero hilong hilo ako at hindi makabangon.

Tumawag na siya at tinanong ako kung nakabihis na ako.

Sabi ko di ako makakapasok kasi may sakit ako.

Hindi nya ako sinundo. Sabay text na..

"Wait mo ako dyan, after meeting ko alis na ako office."

Syeeet. Di pa ko naliligo. Wahahaha.

Ako naman tong kumakaykay na naligo at nagpaganda. Wahaha. Bakit ba?

At sumapit ang alas onse ng umaga.

*kruuuu kruuuu* nasan ka na koreanong mongoloid!!!!

Hehe. Dumating naman siya, kahit late kebs lang. Maganda naman ako ngayon kahit may sakit ako e.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta busy akong gaguhin siya. Hahaha.

Aba, magiisang oras na kaming nagbabyahe.

NASA ANTIPOLO NA KAME. Wahaha!

Dinala nya ko don sa restaurant na pinagshootingan ng Maybe This Time. Yieeee Landi. Maybe This Time talaga.

Maganda. Nakakarelax. Nabusog ako. At ang Saya Saya ko na buong araw kaming magkasama..

Nagpunta kami sa Cloud Nine Resort para magCR. Wahahaha.

Then, last stop sa Eugenio Lopez Center. Mejo sosyal. XD

At nagpahinga na kami. Di nga nya ako maiwan e. Ohhhh. Ibang iba talaga yung mga yakap nya. Yung kiss nya. T.T

Lahat ng hilingin ko nong araw na yon binigay nya. :-)

pati Siopao Siomai Spaghetti wahaha. Napagod sigurong magdrive ang sweetie.

Haaay. V. I love you so much. Thank you for being such a good good boyfriend to me. Wak mo lang akong tatanungin sa mga lugar ha kasi di ko talaga natatandaan hahahaha. Mwahmwah!

Sweet Love.

Akala ko nong una wala lang. Akala ko papatangay lang ako sa agos. Akala ko kailangan ko lang siya sa tabi ko kasi malungkot ako at buryong sa buhay. Akala ko isang mongoloid na singkit lang siya na bastos. Akala ko yun na siya. Na mapanginis, mapanggago, manyakis, mayabang… Pero hindi pala.

Mas nakilala ko siya.. At sa lahat ng flaws niya, unti unti ko siyang minahal.

Very generous, providing, gentleman, concern, sweet and funny.. He is crazy as fuck as you can imagine. Bibihira mo siyang makakausap ng matino. Haha.

Tangenis. He gave me almost everything and it’s more than what I need.

Dati parang kulangot lang siya sa buhay ko e. Pero ngayon gusto kong makasama siya bawat oras, bawat minuto.

Na gusto kong yakap siya at namimiss ko yong paghilik nya sa magdamag.

Na siya yung tipo ng lalaki na gusto kong pakasalan at makasama habang buhay.

Nakakaiyak lang. Na magmamahal pa pala ako ng ganito katindi. Na ngayon ramdam kong deserve nya yong pagmamahal ko.

Na sa bawat pagkakamaling nagagawa ko e nanjan pa rin siya.

Na ang gusto nya lang e maging masaya ako.

Di ko maexplain pero umaapaw e pagmamahal ko para sa kanya.

Kahit minsan e nagdududa siya, nagseselos.. E okay lang. Dahil alam kong siya lang.

Magkasama na naman kami kanina. At sobrang Saya ko. Sa konting oras na yun narating ko yong Cloud Nine. No words can express how happy I am to have him in my life.. Ohhhh. T.T

Huhuhu

Huhuhu

Ang Miso.

  • Siya: I love you sweetie.
  • Ako: Hehe. Miso ka ba? :))))))
  • Siya: Oo, misumpong. Hahaha.
  • Ako: Hahahahahaha. Loko. :@
  • Siya: Ikaw? Miso ka no.
  • Ako: Hinde. -_-
  • Siya: Hindi nga, Misa ka e. Misayad. Hahaha.
  • Ako: -___- Tanong mo na lang kung bakit kasi.
  • Siya: Love you much. Bakit ako miso?
  • Ako: *hug* eh kasi, you make Miso happy...
  • Siya: speechless ..... *sabay kiss ng madami sa cheeks ko*
  • Hahaha. Hanggang kailan kaya ganito? : )

"Feeling Lost"

Sabi nila, the only way to ever find yourself is to be completely lost. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. I even wonder why can’t I feel the contentment that others feel for me. They said “ang sarap naman ng buhay mo.” If they only know what I’m going through. *sighs*

ATM. Nasa parlor ako somewhere here in Timog. Nagpapa-footspa. Trying to relax. To chill. To stop worrying. But this won’t help. Ang lakas ng utak ko. Lumalaban. Dakilang worrier talaga ako. Tangina. Ganito ako when I don’t have a problem e. Nagiisip ng proproblemahin. It’s really hard pag utak ang nababakante tapos magisa ka lang. Fudge. Natatawa ako sa sarili ko. Kagaya ng nangyari ngayon.

Ang itinerary ko for today is pumila sa Jco to buy my favorite Oreo drink and Al Capone donut. That came out well kasi walang pila at hassle free. So kumakaykay akong umakyat sa movie time sa Trinoma which surprised me kasi kala mo andon si Lee Min Ho sa dami ng tao. Hell. Nagmamadali akong lumipat sa The Block. Nagbaka sakali. Worried ako kasi paubos na yung drinks ko. Syet 4:40 pa ang next movie e 2:30 pa lang sakin that time. Lipat ako sa kabila. Imax na lang kahit mahal. E Syet. Maleficent ulit e. Syet talaga. So bumaba na ako. Hanap taxi. Swerte I got one in just a minute. Naghanap kami ng salon sa West Ave., kaso di ko feel lahat. Lumaki ng Lumaki ang metro, inikot namin ang Quezon Ave at nakarating ako sa Timog. Wahahahaha. And now I’m here. Eto pala talaga ang trip ko today. And hoping to have dinner with Anton.

Siguro you’ll feel lost talaga pag magisa ka. Miss my family too. Kaya ako nabubuang. Uuwi ako pag may allowance this week and I’ll treat them. Hay life. Weirdier than before. Inis na inis ako pag nababasa yong cellphone kong waterproof. Do I really feel lost? Overthinking things? Half crazy? Whaaaat?! :-D

Button Theme